Tuesday, February 20, 2018

Iba iba ang mga bagay at karanasan na tinatahak ng bawat isa sa atin. Ang bawat isa rin ay may mga pangarap at handang gawin ang lahat para matupad lang ito. Tulad ko na kinakaya lahat ng pagsubok sa buhay.

Ako ay isang Sales Supervisor sa isang botique dito sa Cebu. Bago pa man ko pa man nakuha ang posisyon na ito ay pinagdaanan ko muna ang ibat ibang trabaho noon.
Naging isang Service Crew, Sales Clerk, Sales Associate, Sales promodiser at Sales Demo ng ibat ibang tindahan.



Bago man ang lahat:
Ako ay nagmula sa bayan ng Carmen dito sa Cebu. Dito na ako nag aral ng elementary at high school. Walo kaming magkakapatid, yung isa sa amin ay piaubaya muna ng mama ko sa aking tita doon sa manila. Doon na siya lumaki hanggang nag aral at naging nurse. Nung ako ay College na, ang dalawa kong kapatid na babae ay nagtrabaho sa Japan para matugunan ang aming pangangailangan at para sa gamot ng aking mag magulang sapagkat sila ay maysakit. Naging maganda rin naman kahit papaano ang buhay nung sila ay nag Japan. Ngunit may mga pangyayari na hindi ko inaasahan. Namatay ang papa ko dahil sa kangyang sakit. Dumaan ang isang buwan habang ako ay nag ti-take ng aking final exam sa school, ako ay wala sa focus at hindi ko naintindihan ang aking pakiramadam. Nung umuwi na ako sa boarding house, andun yung room mate ko na kapitbahay ko rin. May tinanong sya sa akin.
Jimboy: Bert, wag kang mabibigla ha,. Alam mo na ba ang nagyari sa inyo kanina?
Sagot ko: Hindi bakit anong nangyari, sabihin mo?..!!!
Jimboy: Wala na ang mama mo. Pumanaw siya kanina dahil hindi na siya umabot sa ospital.
Ako ay natulala at natanong ko nahlang sa sarili "Anong silbi nitong cellphone na binigay nya kung hindi ko na siya makausap. Ako ay umiyak nalang nang umiyak at nag labas ng nararamdaman ko sa paghagis ng kahit anong bagay sa boarding house.
Pumunta ulit ako sa school at hhimihingi ng pahintulot na ako ay uuwi dahil ang mama ko ay namatay. Nang dumating na ang katawan ng mama ko sa aming bahay halos ako ay himatayin at napasakit sa pakiramdam na makita siyang wala nang buhay. Mahal na mahal ko mama at papa ko. Ang mag kapatid ko ay wala ring hinto sa pag iyak at tung isa halos hindi makahinga.
Dumaan ang mga araw akoy nagpatuloy sa pag-aaral. Hindi rin naging madali pagtapos ng mga pangyayari dahil may isang pangyayari ulit ang dumating nung enrollment na sa school. Isang gabi habang kami ay natutulog kasama ang mga room mates ko ay wala kaming kaalam alam na pinasok na pala kami ng mga magnanakaw. Kinuha lahat ang mga cellphones at kwentas nga aking mga roommates at sa kasamaang palad ay kinuha pati ang pang enroll ko. Tinawagan ko kaagad ang ate ko sa maynila: Sabi nya; wala na tayong magagawa. Kaya ako ay hindi na nagpatuloy sa pagaaral.          
Ako ay nag desisyon na maghanap ng trabaho, pero hindi naging madali dahil ako ay nahihiya mag aplay sapagkat ako ay payat sa panahong iyon. Kalaunan ay naging confident narin dahil sa pag incourage ng aking mga kakilala. Ako ay naka pasok bilang service crew at pagkatapos ng 9 months ay naka pag trabaho rin ako sa isang mall bilang sales clerk, pagkatapos ay naging sales associate. Pero pag katapos ng 3months bilang sales associate ay wala akong naging trabaho. Ang hirap hirap ng naging buhay ko sa boarding house na walang makain at hindi makakabayad ng renta, pag akoy nagkakasakit ay walang mabili na gamot. Dito sa boarding house nakilala ko ang kuya ko na si Phyton, naging mabuti kaming magkaibigan at siya na rin ang gumagawa ng paraan upang ako ay makakain. Gumagawa rin naman ako ng paraan upang ako ay makapagtrabaho hanggang umabot na ng 3 months ay wala pa rin. Hanggang siya ay hindi na nakatiis sa awa sakin at pinapasok niya ako sa sa isang Brand ng sapatos para magtrabaho. 2011 ako ay nagsimula sa isang botik dito sa loob ng SM at kalaunan ay na assigned naman sa botik sa loob ng Robinsons Mall. Habang nasa Robinson ako, ay may isang pangyayari ang gumimbal sa amin. Bigla itong nasunog at kami ay nag kagulo na kung saan lalabas. Pagkatapos ng sunog na iyon ay linipat ako sa SM department store and after 1 year and a half ay linipat ako sa Metro Colon same brand parin then after 3 years ay binalik ulit ako sa SM dept. store then after 1 year and a half ay linipat narin ako sa botik same brand parin upang gawing Supervisor.
Hindi rin naging madali ang pagiging supervisor ko dahila ang daming mga bagay na dapat kung ma attain as a supervisor. May mga pagkakataon na akoy pinapagalitan sa mga bagay na hindi ko naman ginagawa at pinapagalitan sa mga bagay na alam ko na tama pero sa kanila ay mali.
Halos lahat ng oras ko ay binigay ko sa brand na ito. Almost 7 years ako sa brand na ito pero under ibat ibang agency. Marami narin akong pinapapasok sa brand na ito para magtranaho tulad ng mga  kaibigan at kapatid ko.
Maganda naman ang kompanya na ito pero ang agency nito ay hindi masyadong maganda dahil hindi binayaran ang mga overtime namin at mga leave with pay.
Palagi ko itong pina follow up sa kanila pero wala paring nangyayari.
Kaya ako ay nagdesisyon na, aalis sa posisyon at sa kompanya na rin sa gayon ay maka pag trabaho ako sa isang kompanya na open ang OVER TIME. Sa ngayon ay naka pasa na ako sa inaaplayan ko at kinikuha ko nalang ang mga requirements na dapat kunin para ako ay mka paga simula na.
Wala akong hinanakit sa kompanya o sa brand. May hinanakit ako sa Agency na nag handle sa amin.

"LOTS OF STORIES TO READ SOON. THIS IS MY FIRST STORY OF MY LIFE".

I hope you will take a time to read my story.

Thank You.
God bless Us


No comments:

Post a Comment

 PINOY BOY BAND  AUDITIONS AT ABS - CBN ...